Pagbasa At Pagsusuri Textbook K12
FILIPINO 104 PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA Modyul sa PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA Final term Mga May Akda: Bb. Marin Kolehiyong Komunikasyon at Humanidades Paunang Salita Isa sa mga pangangailangan sa Kolehiyo upang makapagtapos ng isang kurso ay ang pagkaroon ng kaalaman hinggil sa kasanayang pasulat at higit sa lahat ang pagkamit ng batayang kaalaman sa pananaliksik. Makakamit lamang ang pangangailangang ito sa pamamagitan ng pagpapalinang ng kanilang kasanayan sa pagsulat. Ang modyul na ito, Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina (Dulog-Modyular) ay binuo ayon sa itinakda ng Commission on Higher Education (CHED) sa kanilang CHED Memorandum Order Blg. 54, serye ng 2007.
Pagbasa At Pagsulat
Ang pangkalahatang layunin ng modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral at pag-unawa sa kasanayan sa pagsulat at pananaliksik sa pamamagitan ng malinaw at mabisa na paglalahad ng mga simulain at mga kaisipang tumutugon sa mga pangangailangang makapaglawak sa kaalaman ng mga mag-aaral. Ang modyul na ito ay hinati sa limang yunit.
Yunit I: Kahulugan at Kalikasan ng Pagsusulat. Yunit II: Mga Uri ng Pagsulat. Yunit III: Layunin sa Pagsulat. Yunit IV: Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat. Yunit V: Lohikal at Mapanghikayat na Pagsulat Modyul 1 Kalikasan at Kahulugan ng pagsulat Panimula Ang modyul na ito ay tungkol sa kahulugan at kalikasan ng pagsusulat. Tatalakayin din ang Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat at Mga Layunin sa Pagsulat ( Expresive o Transaksyunal). Ang pagtalakay.